facebookPaano magplano ng budget para sa Pasko?
14.12.2021

Paano magplano ng budget para sa Pasko?

Malamig na ulit ang simoy ng hangin, nag-iilawan na muli ang mga parol at naglalabasan na ang mga magka-carolling. Papalapit na ang Pasko, pero handa na ba ang budget mo?

Pano-gumawa-ng-christmas-budget-2.jpg

Kung hindi mo pa inihahanda ang budget mo ngayong Pasko, nandito kami para tulungan kang ayusin ang iyong budget para sa mas masaya at abot-kayang selebrasyon!

1. Maglaan ng budget para sa iyong Christmas Shopping

Aminin na natin, masarap at madaling gumastos kapag Pasko at kaliwa’t kanan ang mga handaan. Pero mahirap din isipin kung magkano ang kailangang gastusin, at kung sapat o kulang ba ang inyong sweldo or kita.

Bago mag-add to cart at checkout (online man o sa mall at palengke!), siguraduhin muna na nailatag na ang lahat ng kailangang bilhin at kung magkano ang nakalaang pera para sa mga ito.

Tingnan ang inyong kita at mula doon, kalkulahin kung magkano ang pwede mong ilaan sa pagkain, mga regalo, mga dekorasyon, at kung ano pang kailangang bilhin para sa Pasko.

Sa ganitong paraan, hindi ka magkukulang sa pera at pwedeng magkaroon ka pa ng extra budget para sa Bagong Taon!

2. Mag-focus sa mga pinakaimportanteng gastusin

Para maiwasang ma-distract sa inyong budget at gumastos ng wala sa plano at panahon, ilista muna kung ano ang mga pinakaimportanteng dapat bilhin at kung magkano ang nakalaan para dito.

Halimbawa, kung maghahanda para sa Pasko at Bagong Taon, maiging unahin ang mga sangkap sa pagkain, utensils, at i-deprioritize ang mga dekorasyon.

Kung kailangan ng magregalo, gumawa ng listahan kung sino-sino ang mga bibigyan at kung magkano ang nakalaan para sa kanilang mga regalo.

3. Sundin ang inyong Christmas list at itala ang bawat gastos

Nandyan ang iyong Christmas list para tulungan kang i-prioritize ang mga mas importanteng gastusin, at nararapat lang na sundin ito!

Makakatulong ang paglista upang hindi ma-distract o maaliw basta-basta sa inyong shopping spree. Makakatulong din ito upang hindi lumobo ang inyong gastos. Nakapag-shopping ka na, nagkaroon ka pa ng disiplina sa iyong paggastos!

Dagdag pa rito, mangyaring i-check ang inyong listahan para makita kung ano na ang mga nabili na at ano pa ang kailangan pang bilhin. Sa ganitong paraan, maiiwasan natin ang pagbili ng mga hindi gaanong kailangan at madoble ang gastos sa mga kinakailangan pang bilhin.

Importante ang pagkakaroon ng budget para sa Pasko at kahit anong okasyon.

Makakatulong ito para ma-prioritize kung ano man ang mga kailangan bilhin at maiiwasan din ang paggastos ng wala sa tamang panahon. Pero meron at meron paring pagkakataon minsan kung saan kahit anong budget at plano ang iyong gawin, kinakapos parin minsan ang budget pang Pasko.

Para tuloy ang saya ng inyong Pasko, nandito ang UnaCash Credit Line para tumulong dagdagan ang inyong budget.

Ang UnaCash Credit Line ay nagbibigay ng mabilis na loan na pwedeng gamiting sa aming partner merchants (hanggang 0% interest!). Maari rin itong i-withdraw as cash para sa kahit anong gastusin at kung kailan mo kailangan. Mas mapapadali din ang inyong pagbabayad dahil sa flexible loan terms na swak sa inyong kakayahang magbayad.

Hindi kailangan maghintay ng matagal para sa loan at hindi kailangan mag-submit ng maraming documents!

I-download na ang UnaCash app sa inyong Android phone at mag-loan na para sa masayang Pasko!

download on google play

More articles